26

Jun 15, 2020 @ 16:19

Mga pulis sa Cebu City sinalang sa rapid testing

Matapos masawi ang dalawang pulis nila dahil sa coronavirus, sinailalim sa rapid testing nitong Lunes ng umaga ang lahat ng tauhan ng Cebu City Police Office (CCPO).

Nasa 133 na pulis ang sinuri para mabatid kung kinapitan na ng COVID-19 ang mga ito para agad makapagsagawa ng mga preventive measure.

Ani CCPO officer-in-charge Police Colonel Cydric Earl Tamayo, ilang tauhan nila ang may ubo na kaya nagdesisyon siyang isalang lahat ng tauhan sa rapid testing lalo na ang mga madalas sa Crime Laboratory Office.

Sa Crime Laboratory Office nakatalaga ang dalawang pulis na pumanaw sa virus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?