37

Apr 1, 2020 @ 13:05
By

Mga pulis sa Bangsamoro Autonomous region gumagamit ng rolling stores

Upang hindi na lumabag sa ipinatutupad na social distancing dahil sa umiiral na enhanced community quarantine, nakaisip ang PNP Bangsamoro Automous Region na gumawa ng “rolling stores” para sa mga taga-Lanao Del Sur.

Ayon kay Police Captian Jemar Delos Santos ang tagapagsalita ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, mga pulis na mismo ang pumupunta sa mga kabahayan para hindi na lumabas ng kanilang bahay upang mamalengke. Nagbebenta na lang sila sa pamamagitan ng rolling stores ng mga pangunahing pangangailangan.

Ito ay ang bigas, sardinas, noodles, at kape na kanilang ibinebenta sa murang halaga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?