33

Oct 25, 2019 @ 19:28
By

Mga pulis pinakalat sa mga bus terminal, airport, seaport

Mahigit na 35,000 na miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang ipakakalat para magbigay ng public safety ngayong ‘Undas’, ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac .

Ayon kay Banac, simula nitong Biyernes ay mayroon nang nakatalagang mga police force sa lahat ng mga airport, seaport at mga bus terminal sa buong bansa para bigyang seguridad ang mga mananakay na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya hanggang sa pagbalik nila.

“Simula ngayong araw na ito, hanggang sa pagbabalik nila, yung mga umuuwi sa kani-kanilang mga lalawigan, so lahat ng ating mga airports, seaports, at maging mga bus terminals ay may nakalaan po na mga security,” ani Banac.

Sinabi ni Banac na agahan ng mga commuter na pumunta sa bus terminals, airports at seaport upang makaiwas sa mabigat na daloy ng trapiko at dagsa ng pila .

“Agahan po natin ang pagtungo sa mga bus terminals, airports and seaports dahil napakabigat po ng daloy ng trapiko at dagsa po ang pila,” paalala ni Banac sa mga mananakay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?