34

By

Mga pulis na umihi sa puno sa Malacañang, parusahan – solons

Sharing is caring!

Nairita si House Dangerous Drugs Committee chairman Robert Ace Barbers sa inasal ng mga pulis na umihi sa puno ng balete sa Malakanyang.

Sabi ni Barbers, dapat tukuyin ang mga pulis na gumawa nito at patawan ng mabigat na parusa.

Hindi makapaniwala si Barbers na pagkatapos masabon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagiging scalawags ay gumawa pa ulit ng kabulastugan ang nasabing mga pulis at mismong sa Palasyo pa.

Gayundin, deklarado aniya bilang National Heritage Tree ang century-old na puno ng balete sa Malakanyang kung saan “jumingle” ang mga pulis.

“I’m sure ‘Mr. Brown’ the ‘kapre’ who lives there, was equally pissed. Shame on you!” ani Barbers.

Para naman kay Marikina Rep. Miro Quimbo, mala-aso ang ipinakita ng mga pulis na umihi sa belete tree sa Palasyo.

Pero kung tutuusin ay insulto pa aniya ito sa mga aso dahil mas maganda pa ang asal ng mga askal kaysa sa nabanggit na mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?