185

Mga pulis na basher ni Albayalde, ipinatawag sa Camp Crame

Sharing is caring!

Humarap kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Oscar Albayalde nitong Martes sa kanyang opisina sa Camp Crame ang mga pulis na tumuligsa sa kanya sa social media.

Sa 20 pulis na ipinatawag, 11 lang ang dumating sa kanyang opisina.

Sinabihan nito ang mga pulis na ilabas ang kanilang hinaing at pag-disgusto sa kanya sa tamang lugar.

Nauna nito, sinabi noon ni Albayalde na kakasuhan niya ang mga naturang pulis ng insubordination matapos makita ang mga post nito sa Facebook page na “Buhay Lespu”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?