374

May 18, 2019 @ 21:25
By

Mga pulis, mayor na sangkot sa jueteng, ayos lang kay Duterte

Handa umanong magbulag-bulagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pulis at alkalde na sangkot sa jueteng o sa iba pang uri ng sugal basta’t huwag lang sa extortion o iligal na droga.

Aniya, papalusutin na niya ang mga ito dahil hindi talaga makontrol ng gobyerno.

“Kaya nga kayo mag-ano, papalusutin ko kayo ‘yung mga — huwag lang ‘yang extortion at saka droga,” sabi ng Pangulo sa talumpati niya sa Pasig.

“Kung sabihin mo ‘yang mga jueteng-jueteng diyan sa kuwan, huwag ‘yung malaki o ‘yung mga hantak-hantak diyan, bahala na kayo. I’m not trying to encourage you, but I cannot stop it anyway at alam ko kulang talaga,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?