373
Mga pulis, gwardiya ng mga drug lord – Sison
Mar 17, 2019 @ 11:50
By

Mga pulis, gwardiya ng mga drug lord – Sison

Ayon sa founder ng Communist Party of the Philippines na si Jose Maria Sison, hindi umano kumpleto ang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na listahan ng mga narcopolitician.

Ayon sa report ng Inquirer.net, sinabi ni Sison sa isang e-mail mula sa Utrecht na wala sa listahan ang pangalan ng big-time drug lords tulad ni Peter Lim.

Saad ni Sison, parurusahan ng communist movement ang sino mang opisyal ng gobyerno, politiko at mga indibidwal na mapatutunayang may kaugnayan sa drug trafficking sa bansa.

“It is a policy of the people’s democratic government and New People’s Army (NPA) to capture, try and punish drug lords and their cohorts,” saad ni Sison.

Saad ni Sison, ang mga drug lord ay mahirap mahuli dahil heavily protected umano ang mga ito.

“The guards of drug lords are not just private armies but also policemen,” dagdag pa ni Sison.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?