33

Mar 30, 2020 @ 10:28
By

Mga PUI nurse unahin sa COVID testing

Nakiusap ang Philippine Nurses Association (PNA) na unahin ang kanilang mga kasamahang persons under investigation para ma-test sa COVID-19.

Ayon kay PNA national president Rosie de Leon, marami sa kanilang mga nurse ay nakapila pa para sa testing at kasalukuyang naka-quarantine lang.

“‘Yung isa po naming chief assistance nurse, nakapila po. ‘Yun po ang pakiusap namin, lahat po ng PUI nurses be given priority kasi mahirap po ‘yun eh. Kung sila po ay naka-self-quarantine, pagkatapos po hindi naman natin matest kung talagang sila ay positive or not, madedeplete po ‘yung ating number ng health care workers,” ayon kay de Leon sa dzBB.

Saad naman ng PNA, handa silang tumulong para mag-volunteer sa COVID-19 pandemic, ngunit kailangang siguraduhin ng Department of Health na sapat ang proteksyon ng mga nurse.

Ilan sa mga nais nilang siguraduhin ng ahensya ay tamang sweldo, personal protective equipment, accommodation at transportasyon.

“Ang PPE po talagang kulang, ang iba po ang ginagamit nila garbage plastic bag para maproteksyunan sila,” dagdag nito.

Matatandaan na unang naghayag ng DOH na P500 ang arawan ng mga volunteer healthcare worker, ngunit nilinaw na mababago pa ito sa pagdagdag ng budget ng gobyerno sa COVID-19 response.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?