16
33,000 trabaho para sa mga guro – DepEd
Sep 30, 2020 @ 23:30
By

Mga public school teacher may bonus na P1,500

Inihayag ng Department of Education na nakatakdang makatanggap ng insentibong P1,500 ang mga guro mula sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ayon sa kautusang nilabas ni Secretary Leonor Briones, ang P1,000 ay para sa World Teachers’ Day sa October at dagdag na P500 para naman sa gastusing medikal ng mga guro.

Ibibigay ang P1,500 incentive ng hindi mas maaga sa World Teachers’ Day o October 5.

“This financial assistance also forms part of the effort to protect the health, safety, and well-being of the learners and teachers given the state of public health emergency in the country due to the COVID-19 pandemic,” saad ni Briones.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?