113

By

Mga public school teacher makakatanggap ng P10K bonus

Magandang balita para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan.

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na makakatanggap ang mga public school teacher ng P10,000 incentive bonus ngayong taon.

Sabi ni DepEd-7 Regional Director Salustiano Jimenez sa Inquirer report, matatanggap ito ng mga guro sa kanilang mga ATM account pagsapit ng Disyembre 10-20, 2019.

Iba pa ito sa natanggap na year-end bonus ng mga guro noong Nobyembre 15, na katumbas ng isang buwan nilang sahod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?