5

Jan 26, 2021 @ 12:42
By

Mga public school sa Pasig gagawing vaccination site

Minamata ni Pasig City Mayor Vico Sotto na gawing vaccination site ang mga pampublikong paaralan sa kanilang lungsod.

Sa isang panayam, sinabi ni Sotto na ‘best venue’ ang mga paaralan dahil naoobserbahan dito ang mga ipinatutupad na mga health protocol ng kinauukulan.

“Dito po sa Pasig, nakita po namin ‘yung best venue. Best site po para sa ating vaccination site ay ang ating mga pampublikong paaralan kasi ito po ‘yung may space, may kuwarto, nae-exercise ‘yung social distancing at may ventilation po,” wika niya.

Aniya, magpapaalam naman sila sa Department of Education.

Sinabi din ni Sotto na hindi sapilitan ang pagbabakuna ng kanilang mga residente.

“Hindi naman po ito sapilitan pero ako po, hinihikayat ko po ang mga Pasigueñona kung may pagkakataon na mabakunahanpo tayo, tulong na po natin ito sa bayan natin,” anang alkalde.

Sambit niya, wala namang dapat ikatakot ang mga Pasigueño sa mapipiling bakuna ng lungsod dahil sisiguraduhin niyang aprubado ito ng Food and Drug Administration (FDA).

“Ang lagi nating sinasabi ‘pag may nagtatanong sa bakuna, basta approved po ito ng FDA ay nakatitiyak po tayo na ligtas at mabisa ang mga brand na ito. Magtiwala po tayo sa mga eksperto, sa mga dalubhasa sa medicalfield,” saad niya.

Kasalukuyang higit 10k na ang naitalang kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod.

195 rito ang nananatiling mga aktibong kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?