77
Mga proyekto ng DPWH, tiniyak na hindi makasisira sa mga heritage site
By

Mga proyekto ng DPWH, tiniyak na hindi makasisira sa mga heritage site

Naglabas ng kautusan ang Department of Public Works and Highways (DPWH) para protektahan ang mga national cultural heritage sa bansa.

Sagot ito ng DPWH sa panawagan ng mga grupo na tutol sa mga proyekto ng public works department na pinangangambahang makasisira sa mga historical site.

“Starting from the feasibility study, design, and up to civil works, our men were instructed to consult and coordinate with NCCA and other NCAs to ensure that none of our projects could impact a heritage structure,” saad ni DPWH Sec. Mark Villar.

Sa Department Order No. 12, Series of 2019, na pirmado ni Secretary Mark Villar, inatasan nito ang kanilang mga implementing office sa mga rehiyon at sa lahat ng distrito nito sa buong bansa kasama na ang mga tanggapan ng building officials ng mga local government unit (LGUs) na makipag-ugnayan sa National Commission for Culture and Arts (NCCA) at National Cultural Agencies (NCAs) sa bawat gagawin nitong proyekto para maiwasan ang posibleng pinsala at pagkasira ng mga idineklara nang historical sites.

Nagbabala din si Villar na may kaukulang parusa ang sinumang indibiduwal na mapatutunayang lalabag sa kautusang ito ng DPWH.

“As a national government agency, DPWH is mandated to also conserve, develop, promote, and popularize the nation’s historical and cultural heritage and resources hence appropriate sanctions will be taken against those who fail to recognize the importance of our national treasures,” dagdag ni Villar.

Paliwanag ng kalihim, kasama sa mandato ng DPWH na isulong ang mga historical at cultural heritage ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?