109

Oct 29, 2019 @ 13:09
By

Mga provincial bus fully-booked na

Halos punuan na at fully-booked ang biyahe ng mga bus patungong North at South Luzon Expressway sa mga terminal sa Pasay City, Sampaloc, Manila at Cubao, Quezon City

Maging sa mga online reservation ay hindi na rin tinatanggap dahil sa pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya, habang ang iba naman ay sinasamantala ang mahabang bakasyon.

Kasabay nito, nagbigay ng paalala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa publiko sa gagawing pagbiyahe ngayong Undas.

Kabilang dito ang pagtiyak sa mga dadalhing bagahe, iwasang tumanggap ng padala kung hindi nakita kung paano ito inimpake, at alamin ang mga pwede at hindi pwedeng dalhin sa flight upang hindi maabala.

Para sa mga international flight, siguraduhing higit sa anim na buwan ang validity ng pasaporte at dumating nang tatlong oras bago ang flight. Para sa domestic flights, magdala ng alinman sa mga government-issued ID, tulad ng driver’s license. postal ID at iba pa, at siguraduhin ang schedule ng flight.

Para sa mga chance passenger sa mga eroplano at bus, maari lamang silang makasakay kung mayroong extra trip subalit hindi tiyak ang oras ng extra trip at sa mismong araw lang ng biyahe malalaman kung may bus pang available para sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?