99

Jan 28, 2020 @ 14:28
By

Mga prosti den dumami sa pagpasok ng Pogo – NBI

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na dumami ang mga prostitution den sa bansa kasunod nang paglago ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) industry sa bansa.

“As far as NBI is concern, normally, ang ini-entertain kasi, you can book thorugh internet. Hindi ka pupunta ng rekta (sa prostitution den), dapat online,” pahayag ni NBI Deputy Director for Special Investigation Services Vicente de Guzman sa pagdinig ng Senado tungkol sa Chinese prostitution den at POGO-related sexual trafficking victim.

“Ang ini-entertain lang ay Chinese national. Ang most of their customer are POGO player. So ang indication na ito ay talagang they are entertaining players from POGO,” dagdag pa nito matapos tanungin ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Nilinaw pa ni de Guzman na itinayo ang mga prostitution den hindi para sa mga empleyado ng POGO kundi para sa kanilang mga Chinese customer.

“Based on our investigation, it is primarily for Chinese customers not necessarily for POGO players. It so happened that Chinese citizens are employees of POGOs,” sabi pa ni de Guzman.

Ayon pa kay de Guzman, nakipag-ugnayan na sa kanila ang ilang Chinese law enforcers para tumulong sa pagtugis sa mga Chinese nationals na nagpapatakbo na diumano’y prostitution den sa bansa.

“They want collaborative efforts with the NBI in terms of combating transnational crime,” pahayag ni de Guzman kay Sen. Risa Hontiveros na nanguna sa pagdinig

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?