44

Nov 25, 2021 @ 20:33
By

Mga produktong gawang Pinoy palalakasin ni Lacson

Kung sakaling manalo bilang presidente, sinabi ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson na isusulong niya ang isang “Made in the Philippines” drive na magreresulta mula sa pagiging import-dependent mentality ng bansa tungo sa export-oriented.

“Ang import-driven mentality dapat bawasan natin at paigtingin natin ang MSMEs para maging export-oriented tayo,” ani Lacson sa Lacson-Sotto Meet the Press forum nitong Huwebes.

“Ang mentality natin from import-dependent country gawin nating export-oriented tayo. Tangkilikin natin ‘Made in the Philippines’ products,” dugtong niya.

Saad pa ni Lacson, ang isang mas mahusay na National ID rollout at “Made in the Philippines” drive ay tutugon sa kawalan ng trabaho at inflation sa ilalim ng Lacson presidency.

Aniya, ang National ID ay makakatulong sa pamahalaan na makalikha ng isang database upang itugma ang mga kakayahan ng mga manggagawa sa mga oportunidad sa trabaho.

“Kailangan madaliin para ang database natin malinaw at kitang-kita sa skills ng tao para match mo sa job opportunities para mabawasan rate of unemployment,” paliwanag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?