105

Nov 30, 2017 @ 15:31
By

Mga pro at anti-revolutionary gov’t, naglunsad ng programa sa Maynila

Nagdaos ng aktibidad ang iba’t ibang mga grupo na nagsusulong ng revolutionary government sa makasaysayang Mendiola.

Para sa kanila, ngayon na ang tamang panahon para baguhin ang sistema ng gobyerno para sa pangkalahatang kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Nagmula pa sa iba- ibang mga lalawigan ang lumahok sa pagtitipon kung saan ipinagsigawan nila ang agarang implementasyon ng bagong sistema ng gobyerno.

Sa bahagi naman ng Recto Avenue ay nagdaos din ng programa ang mga tutol sa revolutionary government mula sa ibang militanteng grupo.

Katwiran nila, pagmumulan lamang ng mas mapaniil at diktadurya ang revolutionary government na walang ibang makikinabang kundi ang kasalukuyang Duterte administration.

Una nang nakiusap ang Malakanyang sa mga nagsusulong ng revolutionary government na tiyaking magiging mapayapa ang kanilang pagkilos.

Katwiran ni Presidential Spokesman Harry Roque, malinaw ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayaw niyang ilatag sa taumbayan ang revolutionary gov’t.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?