31

Jan 3, 2022 @ 16:37
By

Mga presong sangkot sa bilibid riot armado

Matapos humupa ang tensyon sa naganap na riot nitong Linggo sa New Bilibid Prison ay nakumpiska ng mga awtoridad ang ilang armas na ginamit ng mga preso sa kaguluhang pumatay sa tatlo katao.

Ayon kay NBP Spokesperson Gabriel Chaclag, narekober mula sa mga preso ang apat na improvised na armas at 16 na patalim.

Bukod pa rito, kalaunan ay isinuko ng ilang mga preso ang tatlo pang improvised na baril.

Batay sa ulat, nagsimula ang riot sa kantyawan ng mga preso at nagkagulo na nang may isang nagpaputok ng baril.

Inabot ng mahigit isang oras bago nakontrol ang sitwasyon, at nagpatuloy pa ang clearing operation sa bilibid hanggang alas-12:00 ng hatinggabi.

Bukod sa tatlong nasawi, may 14 pang preso ang nasugatan sa riot.

Pitong preso na sinasabing pasimuno ng gulo ang hiniwalay at nakatakdang isailalim sa disciplinary action. (mjd)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?