45

By

Mga presong may taning, palalayain sa ihinaing batas ni De Lima

Sharing is caring!

Nag-akda ng batas ang nakadetineng senador na si Leila de Lima para pakawalan ang mga bilanggong may malubhang sakit.

Sa Senate Bill No. 2084 o ang ‘Medical Parole Act’, naglalayong ilagay sa pangangalaga ng mga pamilya ang mga presong may karamdaman, o mailagak sa mga ospital na mas may kalidad na serbisyo kaysa sa piitan.

Tinagurian sa panukalang batas ang medical parole bilang ‘compassionate parole’ na igagawad sa mga pasadong bilanggo base sa humanitarian o medical reasons.

“The grant of medical parole presupposes that the conditional release of a prisoner will not constitute a threat to the safety of the society,” saad ni De Lima sa isang pahayag.

Ayon sa panukalang batas, ang medical parole ay ang conditional release ng isang preso mula sa isang correctional institution na base kung siya’y nagtamo ng terminal illness o hindi na kayang gawin ang kanyang mga gawi sa pang-araw-araw.

“This bill is meant to allow prisoners to serve out their sentence under the care of their families or seek better medical care outside the correctional facilities,” saad ng mambabatas.

Nakasaad din sa bill na maaaring ‘di katigan ang medical parole kahit pa may malubhang sakit ang preso, sakaling ang paglaya nito ay banta sa public safety, o kung sa tingin ng madla ay lalabag muli ito sa batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?