14

Oct 6, 2021 @ 16:11
By

Mga preso sa Sorsogon sumabak sa online selling

Hinangaan ang mga inmate sa Sorsogon City Jail dahil sumabak na rin sila sa pagtitinda online para kumita at makatulong sa kanilang pamilya.

Sa Facebook account ng Sorsogon City Jail, ibinahagi ang live online selling ng mga bilanggo at kanilang mga produkto.

Kanya-kanyang mga produkto, kanya-kanyang paandar ang mga inmate o persons deprived of liberty para makabenta ng mga handcrafted product na sila mismo ang gumawa.

Kabilang sa kanilang mga produkto ay mga lampshade, basket, tissue holder, wallet at parol.

Ayon kay Inspector Rodolfo Verzosa, jail warden ng BJMP-Sorsogon, hindi sila nagdalawang-isip na payagan ang online selling ng mga bilanggo para matulungan ang mga nakakulong.

Mabibili umano ang mga nasabing produkto sa halagang P40 hanggang P950.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?