34

Oct 9, 2020 @ 12:51
By

Mga preso sa Bilibid nagkagulo, 9 todas

Patay ang siyam na bilanggo matapos magkagulo sa New Bilibid Prison (NBP) kaninang madaling-araw.

Kinumpirma ng Southern Police District ang insidente at sinaad ang impormasyon mula kay Bureau of Corrections Spokesperson Gabriel Chaclag.

Nagsimula umano ang riot sa NBP alas-2:30 ng madaling-araw, Oktubre 9, at “na-pacify” bandang alas-4 ng umaga.

Kabilang sa mga pumanaw, ayon sa SPD, ang 7 miyembro ng Sputnik Gang at 2 mula sa kalaban nitong grupo, ang Commando.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?