38

By

Mga poste sa border ng NoKor at SoKor binabaklas na

Sharing is caring!

Sinimulan nang baklasin ang 20 guard post sa pagitan ng North Korea at South Korea.

Ang pagsira sa mga guard post sa pagitan ng dalawang bansa ay nasa ilalim ng plano upang mabawasan ang tensiyon sa kanilang mga hangganan.

Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng mga heneral ng dalawang bansa napagkasunduan ng mga ito na alisin na ang 10 poste at magtira na lamang ng isa sa magkabilang panig ng hangganan.

Binaklas ng mga militar ang 20 poste sa Demilitarized Zone na naghahati sa dalawang Korea matapos alisin ang mga tropa at mga kagamitan mula rito.

Tinatayang mayroong 60 poste ang South Korea samantala 160 poste naman ang North Korea sa kabuuan ng kanilang mga hangganan.

Dagdag pa rito sa hangganan ng Panmunjom village o ang tinatawag na Joint Security Area na lamang ang nakararanas ng tensiyon. Ngunit nitong nakaraang buwan ay inalis na rin ang mga armas ng mga bantay ng dalawang bansa.

Ang JSA ay maroon na lamang 35 na hindi armadong bantay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?