83

Oct 11, 2020 @ 15:33
By

Mga poser ng PNP chief sinampolan ng Facebook

Tatlong poser account ni Philippine National Police (PNP) chief Camilo Cascolan ang binura ng Facebook.

Batay sa report ng PNP Public Information Office, ang naturang mga account ay ginagamit ang pangalan ni Cascolan para sa online scam.

“Police cybercrime investigators have traced these poser accounts to several cases of online swindling and estafa, mostly solicitation of funds from unsuspecting victims purportedly for social welfare and humanitarian projects,” saad sa pahayag.

“These fake accounts have been active in social networks enticing Facebook users to donate funds purportedly to purchase computer tablets for students in urban poor communities for online classes,” lahad pa.

Apat na person of interest ang pinapaharap sa tanggapan ng Regional Field Units of Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaugnay ng nasabing pekeng account.

Maaaring makasuhan ang mga poser ni Cascolan sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012, pati na rin sa estafa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?