224

Mar 24, 2020 @ 19:03
By

Mga politikong nagpa-COVID-19 test, ‘very inconsiderate people’ – Enchong Dee

Pinatamaan ni Enchong Dee ang mga politiko na ‘VIP’ umano dahil naunang nagpa-test sa COVID-19 kahit pa ang iba ay walang sintomas.

Ayon sa aktor tunay ngang VIP o ‘very inconsiderate people’ (mga walang konsiderasyon) ang mga politiko na nagpa-test sa coronavirus.

Sa tweet ni Enchong, kanyang itinabi ang mga listahan ng mga politikong nagpa-test na, sa artikulo kung saan naka-report ang pagkamatay ng isang doktor matapos na magkaroon ng COVID-19.


Sa isa pang tweet ni Enchong, nanghihingi siya ng tulong kung saan makakahanap ng mga personal protective equipment na kanyang ido-donate para sa mga ospital na nilalabanan ang COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?