94
ABANTE TONITE PING LACSON
Nov 14, 2018 @ 13:10
By

Mga politikong may gun-for-hire, kasuhan bago pangalanan – Lacson

Pinqagsabihan ni Senador Panfilo Lacson ang Philippine National Police (PNP) na ipitin muna ang pangalan ng mga politiko na diumano ay kumukuha ng mga gun-for-hire para maging bodyguard at para pumatay sa kanilang mga kalaban sa eleksyon.

Ito ay kung hindi pa handa ang PNP na magsampa ng kaso laban sa tinutukoy nilang mga pulitiko.

“I think it’s premature for the PNP to name names if they are not yet ready to file the necessary charges,” ani Lacson.

Una nang inihayag ni PNP chief Director General Oscar Albayalde na kilala na nila ang mga politikong nagpapatay umano ng mga katunggali sa kanilang balwarte.

Nadakip na rin umano ng pulisya ang limang gun-for-hire na suspek sa pagpata sa mga politiko at kilalang tao sa Nueva Ecija, Tarlac, Cagayan Valley at Metro Manila.

Sinabi ni Lacson na hindi naman ito kagulat-gulat dahil dati nang nagpapatayan ang mga politiko partikular sa mga lokalidad.

“Politicians using gun-for-hire elements to eliminate opponents is happening as long as there were elections or since elections were first invented, especially at the local level,” ani Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?