42

Jun 4, 2021 @ 14:26
By

Mga politiko walang sey sa mandatory face shield – Belmonte

Kung si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang tatanungin, hindi dapat magsalita ang mga politiko hinggil sa pagsusuot ng face shield.

Ayon kay Belmonte, ang mga eksperto sa siyensya ang dapat magbigay ng rekumendasyon kung epektibo nga ba ang face shield.

“Ako naman po ay umaasa na maglabas ng statement ang scientific community, ang mga medical professionals, kasi hindi po dapat manggaling sa pulitiko ang health protocols. Kailangan po manggaling sa health practitioners,” saad ni Belmonte sa isang radio interview.

Matatandaan na pinalagan ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagsusuot ng face shield dahil tanging sa Pilipinas lang umano required gamitin ito.

Aniya pa, dagdag lang sa gastusin ang mga face shield sa mga mahihirap na Pinoy.

“Kung yung tao eh hirap na sa buhay, kung wala namang siyentipikong pagpapatunay tungkol sa face shield, eh baka pwede na natin itong rebisahin para sa ganoon ay makatulong tayong mabawasan ang gastusin ng bawat tao,” giit pa ni Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?