85

Nov 27, 2017 @ 19:43
By

Mga politiko humihirit ng airports sa CAAP

Inamin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na maraming politiko ang atat na magkaroon ng airport sa kanilang mga lalawigan.

Sinabi naman ni Eric Apolonio, ang tagapagasalita ng CAAP, masusi muna nilang pag-aaralan ang mga hirit para sa pagpapatayo ng airports, kasama na sa lalawigan ng Aurora.

Ilang taon na ang nakakalipas nang hilingin ni dating Sen. Edgardo Angara na magkaroon ng airport sa Casiguran, Aurora.

Banggit ni Apolonio isa sa mga pangunahing ikinukunsidera ay ang mahab ang distansiya para sa itatayong runway para maiwasan ang anumang sakuna.

Ang pinakamalapit na airport sa Aurora ay ang private airport ng isang eksklusibong resort sa isla ng Balesin sa Quezon. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?