80

Jan 28, 2020 @ 13:13
By

Mga POGO worker mula sa mga bansang may Wuhan virus, ilalagay sa 10-day quarantine – Pagcor

Pinag-utos ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) sa lahat ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na kanilang ilagay sa 10-day quarantine ang bawat bago at nagbabalik na mga empleyado mula sa mga bansang apektado ng novel coronavirus.

“Recently, Pagcor issued a memorandum to all Pogos and services providers, ordering them to exercise extreme caution in selecting employees to be sent to the Philippines. Another order was issued today to impose a 10-day quarantine on all newly-hired and returning employees from countries with reported nCoV cases,” ayon sa pahayag ng Pagcor.

Suportado din ng Pagcor ang ginagawa ng Department of Health na bantayang mabuti ang mga pumapasok na mga Chinese na nagtatrabaho sa mga Pogo hub sa bansa.

Saad pa ng Pagcor, mayroon ng mga Pogo na pinipigilan na ang pagpasok ng mga manggagawa mula sa mga bansang may 2019-nCov.

Maliban sa China, ang mga bansang may kumpirmadong kaso na ng Wuhan virus ay ang: USA, France, Japan, South Korea, Nepal, Thailand, Vietnam, Malaysia, Singapore, Australia, Sri Lanka, Cambodia, Canada at Germany.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?