159

Sep 15, 2019 @ 19:59
By

Mga POGO na umiiwas sa buwis, isara – Finance Sec Dominguez

Inutusan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Bureau of Internal Revenue na isara ang operations ng mga Philippine Offshore Gaming Operators at kanilang mga service provider na hindi nagbabayad ng buwis ng kanilang mga foreign worker at kasuhan sila ng tax evasion.

Ayon sa DoF, nababagalan si Dominguez sa pagbayad ng mga POGOs ng withholding income tax ng kanilang mga manggagawa kahit nakapag-isyu na ang BIR ng 130 na letter of notices sa mga ito na naniningil sa kanila ng P21.62 bilyon.

Sa ngayon, P175 milyon pa lang ang binabayad na withholding taxes ng mga POGO service providers para sa taong 2017 at P579 milyon pa lamang para sa 2018, sabi ni BIR deputy commissioner Arnel Guballa.

“Why don’t we start closing them down so they will answer these assessments,” sabi ni Dominguez sa pulong ng interagency task force na nagmomonitor ng pagpasok ng mga foreign workers sa bansa. “Those who don’t pay or respond to your assessments, clamp them down.”

Mula Enero hanggang Agosto ngayong taon, P1.4 bilyon na ang kinubra ng BIR sa mga POGOs.

Utos ni Dominguez sa BIR, siguraduhing bayad ang buwis ng bawat dayuhang nagtratrabaho sa POGO at huwag makikipagareglo para sa mga kakulangang bayad ng buwis.

“The collection should be per individual…You force the issue and you bring them to court. I mean, close them down,” sabi ni Dominguez sa BIR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?