36
Mga player ng 3x3 Pilipinas okay sa SEAG – Mascariñas
By ,

Mga player ng 3×3 Pilipinas okay sa SEAG – Mascariñas

Masaya si Chooks-to-Go 3×3 Pilipinas league owner Ronald Mascariñas sa pakonsidera ng ilang manlalaro nila na maging bahagi ng Men’s National 3×3 Basketball Team para sa 2019 Southeast Asian Games.

“As I said in the past, we are offering the players in our league to the country, the SBP and any other entity that will need 3×3 top players to represent the country in any international tournament,” sabi ni Mascariñas.

“This means that all players who played in our Chooks-to-Go league and are ranked in FIBA 3X3 are available.”

Sa pagpapasinaya ng bagong logo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas at Gilas Pilipinas kamakailan, sinabi ni Gilas 3×3 program head Ronnie Magsanoc na ilang manlalaro sa 3×3 Pilipinas ay dapat maging bahagi ng National Pool.

“That is also an option. ‘Yung mga nasa Chooks-to-Go, most of them have made it to the Top 100 already,” sabi ni Magsanoc. “They will always be considered even a part of the pool because of their ranking.”

Bukod sa paghubog sa Top 20 na manlalaro, tinulungan din ng liga na maitaas ang ranking nito sa buong mundo, mula 58, nasa Top 30 mula nang Abril at para kay Magsanoc, napakalaking bagay ang kanilag ginawa para sa bansa.

Ang second conference ng Pilipinas 3×3 ay tatawaging Patriots Cup at mas magiging exciting ito dahil hindi lang Pinoy baller dahil sasabak din maging ilang import sa torneo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?