144

Nov 27, 2017 @ 18:47
By

Mga planta ng LPG, ininspeksiyon ng DOE

Nagsagawa ng inspeksiyon ang Department of Energy (DOE) katuwang ang Liquefied Petroleum Gas Industry Association (LPGIA) sa mga planta ng LPG sa Metro Manila.

Sa pangunguna ni Energy Sec. Alfonso Cusi sa pagbisita sa mga planta, ipinaalala nito ang matinding panganib, partikular na ang sunog, na dulot ng mga depektibo at mababang kalidad na mga LPG tank.

“The safety of everyone should never be compromised. Government and the private sector should work together and give a higher premium to public safety to protect every user of LPG,” pagdidiin ni Cusi.

Nabatid na ang mga LPG cylinder ay dapat sumasailalim sa requalification process makalipas ang 10 taon simula nang gamitin ito at kada limang taon na para matiyak na ligtas pa ang mga ito.
Kasama sa mga pagbisita ang mga miyembro ng House Committees on Energy at Trade and Industry.

Ito ay bahagi ng kampanya ng kagawaran na E-Safety Mo, na layon ipabatid at ipaalala ang mga safety tips sa paggamit ng lahat ng uri ng enerhiya. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?