3,684

May 24, 2019 @ 10:42
By

Mga Pisay student kumontra: 6 estudyanteng nagkalat ng nude pic, ‘wag pagmartsahin!

Nagkaisa ang ilang estudyante mula Philippine Science High School na pigilan ang pag-graduate ng anim na mag-aaral na umano’y nagkalat ng mga malalaswang larawan ng kanilang mga nakarelasyon na estudyante rin ng nasabing paaralan.

Ito’y matapos na payagan ng Board of Trustees na makasali sa graduation rites ang anim na estudyante.

Nagkaroon ng protesta sa harap ng PSHS para harangan ang nasabing desisyon ng school administration.

Ayon naman kay campus director Dr. Lawrence Madriaga, kailangang maghain ng pormal na apela ang mga nagprotesta para maaksyunan ang nasabing isyu.

“While we recognize the fact na they have the right to express, the official thing to do is put it in writing,” saad pa.

Naging maugong ang balita matapos mag-post si Presidential Communications Operations Office Undersecretary Lorraine Marie Badoy tungkol sa nasabing kaso sa anim na estudyante.

Ayon pa sa government official, maaangas pa umano ang mga estudyante dahil nakalusot sa graduation nang hindi naparusahan.

“And as if to rub salt on their wounds, these boys have shown no remorse—and are, in fact, defiant and arrogant. (How can they not be when no one’s held them fully accountable?)” ayon kay Badoy.

“And when the unfortunate decision of the Board of Trustees came out that effectively exonerated them, they went around GLOATING. “I’m gonna graduate.”, said smugly,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?