77

Nov 10, 2017 @ 10:35

Mga Pinoy visa-free entry na sa South Korea

Maaari nang pumasok sa South Korea ang mga Filipino kahit walang visa hanggang Abril 2018, ayon sa report ng Yonhap News agency.

Bahagi ito ng hakbang ng South Korea upang mapalakas ang kanilang turismo bunsod ng pagho-host nila ng 2018 Winter Olympic Games.

Ang kondisyon lang, sa YangYang international airport dapat lumapag ang mga turista dahil sa Pyeongchang County gaganapin ang Winter Olympic Games mula Pebrero 9 hanggang 25, 2018.

Bukod sa Pilipinas, binigyan din ng parehong trato ang mga biyahero ng Indonesia at Vietnam.

Pinalawig din ng South Korea ang $15 per person visa fee waiver sa Chinese tourists na may electronic passport hanggang sa pagtatapos ng taong 2018.

Bumagsak ng 60% ang turismo ng South Korea matapos utusan ng Chinese government ang travel agencies na tigilan ang pagbebenta ng tour package doon bunsod ng pagpapahintulot nila sa Estados Unidos na maglagay ng THAAD missile defense system sa kanilang teritoryo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?