55

Jun 17, 2020 @ 17:54

Mga Pinoy tamang duda sa Rappler ni Ressa

Kulelat ang online news website ni Maria Ressa sa trust rating ng mga media organization sa Pilipinas.

Base sa 2020 digital news report ng Reuter Institute and University of Oxford, nakakuha lamang ng 28% trust rating ang Rappler, na pinakamababa sa 14 media brands sa Pilipinas.

Kasama nito sa pinakadulo ng trust rating ang tabloid na Bulgar.

Sa ulat ni Yvonne Chua hinggil sa nasabing survey, binanggit na mas mababa pa ang trust rating ng Rappler kumpara sa television station ng gobyerno na PTV-4 at Radyo Pilipinas.

Sinisi ni Chua ang pagbulusok ng trust rating ng Rappler sa mga ginagawa nitong pag-atake kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Isinagawa ang survey sa mga urban area sa halip na gamitin ang nationals sample kung saan maaaring kumatawan sa “richer and more connected users” aniya ng core market ng Rappler.

Ang Digital News Report ay suportado ng Open Society Foundations ng bilyonaryong si George Soros, partner ng Ombidyar sa mga global advocacy.

Backer ng Rapple rang tech billionaire na si Pierre Omidyar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?