8

Jan 12, 2021 @ 16:53
By

Mga Pinoy takot sa Covid-19 vaccine, nadala sa Dengvaxia – Palasyo

Mga Pinoy takot sa Covid-19 vaccine, nadala sa Dengvaxia – Palasyo

Nakaapekto umano ang kontrobersiya ng Dengvaxia noon sa tiwala ng mga Pilipino kaugnay sa Covid-19 vaccine ayon sa Malacañang kanina.

Matatandaang taong 2018 nang ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggamit at pagbebenta ng anti-dengue vaccine matapos aminin ng gumawa nito na maaaring magsanhi ng mga severe symptom ang bakuna sa isang taong naturukan nito.

Sa isang survey, lumalabas na mayorya ng mga Pilipino ay nag-aalangang mabakunahan kontra Covid-19 dahil nadala na ito sa isyu ng Dengvaxia noon.

“Hindi po natin made-deny na mayroon pong influence iyan,” ani presidential spokesperson Hary Roque.

“Kaya po ang panawagan ng mga tunay na eksperto…huwag po nating pakinggan iyong mga self-proclaimed experts,” dagdag pa niya.

Gayunman, tiniyak niya na hindi dapat mabahala ang mga Pilipino oras na maaprubahan ito ng Food and Drug Administration (FDA) dahil ibig sabihin ay dumaan ito sa masusing pagsusuri.

“Kapag naaprubahan po iyan ng FDA, lalo na sa general use, ang ginagamit sa buong mundo, wala pong dahilan para matakot tayo sa mga ganyang bakuna,” saad niya sa isang press briefing.

“Maging kritikal pagdating sa pagtanggap ng mga impormasyon,” dagdag pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?