20

By

Mga Pinoy sa US pinag-iingat sa ‘super bagyong Florence’

Sharing is caring!

Tinututukan na ng Department of Foreign Affairs ang 150,000 Filipino sa Virginia, North Carolina and South Carolina na maapektuhan ng Hurricane Florence.

Sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez lalakas pa ang bagyo sa paglapit nito sa kalupaan.

Aniya nagdeklara na ng state of emergency ang mga gobernador ng tatlong estado bilang bahagi ng kanilang paghahanda.

Sinasabi na ang Hurricane Florence ang pinakamalakas nang mararanasan sa tatlong estado sa loob ng tatlong dekada nang manalasa ang Hurricane Hugo noong 1989 sa South Carolina.

“The DFA is advising the Filipino Community there to make the necessary preparations and follow the advice of local authorities,” ayon sa pahayag ng kagawaran.

Pinayuhan na rin ni US President Donald Trump ang mga maapektuhan na kung sila ay pinagsabihan na lumikas ay agad na silang umalis ng kanilang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?