47

By

Mga Pinoy sa US pinag-iingat sa hurricane ‘Michael’

Sharing is caring!

Inabisuhan na ang mga Filipino sa limang estado sa Amerika na maging alerto at handa sa inaasahang pananalasa ng Hurricane Michael, na tatama sa kalupaan ngayon linggo.

Sinabi ni Ambassador Jose Manuel Romualdez, kailangan na tutukan ang galaw ng bagyo at ang mga abiso sa kanilang lugar.

Inaasahan na masasalanta ng Hurricane Michael ang Alabama, Florida, Georgia, North Carolina at South Carolina, kung saan tinatatayang may 232,000 Filipino.

Ayon kay Romualdez dapat paghandaan ang storm surges, malakas na buhos ng ulan at bugso ng hangin.

Sa pahayag ng US National Hurricane Center lalakas hanggang Category 4 ang bagyo na may lakas na hangin na 119 hanggang 129 milya kada oras.

Tiniyak ng opisyal na tutukan nila ang magiging kaganapan at makikipag-ugnayan sa mga komunidad ng mga Filipino sa mga masasalantang lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?