275

Jan 9, 2021 @ 23:48
By

Mga Pinoy sa US Capitol riot tinutugis ng FBI

Washington D.C – Ilang Pinoy ang hinahanap ng Federal Bureau of Investigation na kabilang sa mga supporters ni outgoing U.S President Donald Trump na sumugod sa kapitolyo ng Estados Unidos sa Washington DC noong January 6, 2021.

Inilabas ng FBI ang mga larawan na subject ngayon sa national round-up ng Federal agents.

Kabilang sa hinahanap ang lalaki na nasa larawan na kasama sa unang grupo na nakapasok sa loob ng US kapitol.

Natunton ang identity ng suspect dahil na rin sa social media account nito pero pinag -aaralan pa ng mga imbestigador kung ano naging partisipasyon nito sa madugong kilos protests noong na nag-iwan ng limang patay kabilang na ang isang US Capitol Police na binugbog ng mga taga support ni Trump.

Kabilang din ang Pinoy at US Army veteran at dating California Police na si Jurell Snyder sa mga sumama sa kilos protesta pero sinabi niya sa isang interview sa San Francisco na isang mapayapang kilos protesta ang ipinunta niya sa Washington D.C. at hindi siya sumama sa mga bayolenteng raliyista na sumugod sa kapitolyo.

Mula sa Iloilo ang pamilya ni Snyder.

Isa naman sa mga Trump Organizer ang Pinoy na si Jessie Chan mula sa New York isa siya sa mga nanguna sa sakay ng dalawang bus ng Trump suporters na pumunta sa Washington DC noong Martes.

Ilan sa mga kasama niya sa grupo ang mga pumasok sa kapitolyo noong Martes.

Nag-aalala si Jessie na baka kabilang siya sa mga hinahanap ng mga awtoridas pero ayon sa kanya religous group ang kanilang delegasyon at hindi anya siya sumama sa mga pumasok sa kapitolyo.

Ayon kay Jessie na nagsimulang sumugod ang mga raliyista sa kapitolyo matapos na udyukan sila ni Trump.(Dave Llavanes Jr.)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?