39

Dec 12, 2017 @ 16:03
By

Mga Pinoy sa NY inalerto sa bigong terror attack

Pinag-iingat ng Department of Filipinos ang mahigit sa 56,100 Filipinos sa New York City matapos ang bigong terror attack noong Linggo.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, dapat ay maging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran ang ating mga kababayan dahil sa banta ng panibagong terror attack.

Limang katao, kabilang na ang 27-anyos na Bangladeshi immigrant na si Akayed Ullah, ang nasugatan sa pagsabog sa Port Authority Terminal sa Manhattan.

Nabatid na aksidenteng napasabog ni Ullah ang pipe bomb na idikit nita sa kanyang katawan.

Magugunita na noong Oktubre, isang tagasunod ng Islamic State ang sumagasa naman sa isang bicycle lane sa Manhattan din at walong katao ang nasawi, bukod sa 11 iba pa na nasugatan.

“It is important for our kababayans wherever they are abroad to know how to respond in the event of a terror incident,” ani Cayetano.

Binanggit din ng kalihim na may pagbabanta na ang IS group na maglulunsad sila ng mga terror attacks sa ibat ibang bahagi ng mundo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?