118
Kris, Josh, Bimby
By

Mga Pinoy sa L.A. tumatambay sa hotel dahil kina Kris, Josh, Bimby

Sharing is caring!

Simula pala nang mapabalitang nasa Beverly Hills, California ang mag-iinang Kris Aquino, Josh at Bimby ay marami na ang nag-aabang sa kanila sa isang hotel sa lugar na ‘yon.

Paborito kasi ni Kris ang isang hotel sa may Beverly Hills na katapat halos ng isang kilalang coffee shop, kaya may mga Pinoy na tumatambay roon dahil gusto nilang makita ang Queen of Social Media.

May isang taga-California nga pala na malapit kay Kris na tinanong ko kung kinontak na ba siya ng nanay nina Josh at Bimby, pero hindi pa raw. Pero sigurado na nasa Amerika ang mag-iina dahil isang kasama ni Kris sa entourage ang nag-text na sa taong ito.

Ilang mga kakilala rin ng taong ito ang sinasabing kasama ngayon ni Kris sa Beverly Hills. Birthday ngayon ni Kris, kaya siguradong may something siya sa L.A.

Teka! Ano kayang birthday and Valentine day surprise ang naghihintay kay Kris mula sa rumored-boyfriend (again) niyang si Mayor Herbert Bautista?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?