49

By

Mga Pinoy sa Japan, Korea tututukan sa missile test ng N. Korea

Sharing is caring!

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinututukan ang kalagayan ng mahigit sa 300,000 Filipino sa Japan at South Korea matapos ang paglulunsad muli ng North Korea ng inter-continental ballistic missile (ICBM).

“Our Foreign Service Posts in Seoul, Tokyo and Osaka continue to closely monitor the situation and provide up-to-date information to our Filipino communities in these countries,” ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano.

Kasabay nito, muling inulit ni Cayetano ang kanyang panawagan sa North Korea na ihinto na ang mga katulad na aktibidades na lubhang nakakadagdag ng tensyon sa Korean Peninsula.

Aniya, handa ang ASEAN na gumawa ng hakbang para magkaroon na ng ganap na kapayapaan sa naturang rehiyon sa pamamagitan ng dayalogo.

Nabatid na ang huling missile test ng North Korea ay inilunsad mula sa isang pasilidad sa Sain-ni at ang missile ay bumagsak sa loob ng exclusive economic zone ng Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?