57

Feb 25, 2020 @ 12:49
By

Mga Pinoy sa Japan cruise ship, iuuwi na sa ‘Pinas

Nakalabas na nang Diamond Princess cruise ship ang mga Pilipino na babalik na sa Pilipinas matapos ma-quarantine sa loob ng barko sa Japan na tinamaan ng coronavirus outbreak.

Inaasahang 400 Pinoy ang uuwi ngayong Martes, February 25, matapos ang 14-day quarantine period dahil sa lampas 600 na COVID-19 patient sa nasabing barko.

Bago makalabas ay pinagsama-sama muna ang mga Pinoy sa theater ng cruise ship para sa documentation, tanging ang mga nagnegatibo lang sa coronavirus at walang sintomas ang makakasama sa repatriation.

Samantala, naghintay naman sa labas ng Yokohama port ang mga opisyal ng Philippine Embassy sa Tokyo maging ang mga personnel ng Department of Health para tumulong sa repatriation process.

Dadalhin sa Haneda airport ang mga Pinoy at doon sasakay ng eroplano para makarating sa Pilipinas, na sasailalim muli sa 14-day quarantine period sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?