26

May 3, 2021 @ 16:49
By

Mga Pinoy sa India iuuwi sa ‘Pinas

Ibabalik sa Pilipinas ang mga Pilipino na nasa India sakaling makakuha na ng mga clearance at maging available na ang mga flight, ayon kay Philippine Ambassador to India Ramon Bagatsing.

“We cannot send them home so we will wait for clearance, and hopefully once these clearances secured and the ban is lifted in other countries and in our country, we can send some of kababayans here (Philippines),” ani Bagatsing sa Palace briefing ngayong Lunes.

Ani Bagatsing, nasa 50 Pilipino sa India ang humiling na mailikas.

Batay sa datos ng John Hopkins University, ang India ang pangalawa sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa mundo sa 19,925,517.

Kamakailan ay nagpatupad ng ban ang Pilipinas sa mga traveler na manggagaling sa India mula Abril 29 hanggang Mayo 14.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?