123
Floirendo target ang House speakership - Panelo
May 16, 2019 @ 15:04
By

Mga Pinoy sa Canada hindi apektado sa pagpapauwi sa ambassador, consul – Palasyo

Tiwala ang Malacañang na walang magiging epekto sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa Canada ang desisyon ng gobyerno na pagpapauwi sa Philippine ambassador at consul na naka-assign sa nabanggit na bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na legal ang mga Pilipinong na nasa Canada at kailangan nila ang serbisyo ng mga ito kaya hindi niya nakikita na magkakaproblema ang mga Pinoy worker.

“I don’t think magkakaroon ng problema, kasi ‘yung mga nandoon naman eh legal at kailangan din nila ang overseas workers natin. Hopefully wala dapat,” ani Panelo.

Kung tutuusin aniya ay isang utos lang dapat ito ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kung gugustuhin nilang tumugon sa panawagan ng gobyerno, pero hinintay pa aniyang magtakda ng deadline si Pangulong Rodrigo Duterte bago umaksiyon.

Sinabi ni Panelo na ipinapakita lamang aniya na seryoso ang gobyerno na maibalik ang basurang itinapon ng Canada sa Pilipinas dahil mabagal ang pagkilos ng mga ito.

Nilinaw ng kalihim na desisyon ni Locsin ang pagpapa-recall sa Philippine Ambassador at Consul sa Canada dahil lahat ng mga gabinete ay binibigyang-kapangyarihan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumilos at magdesisyon nang naaayon sa kanilang mandato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?