29

By

Mga Pinoy sa California, pinalilikas dahil sa wildfire

Sharing is caring!

Inaalam na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kalagayan ng mahigit 1,700 Filipino na nakatira sa Lake County, Northern California kung saan nagpapatuloy ang forest wildfire.

Sa ipinadalang impormasyon ni Consul General Henry Bensurto kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, sinabi nito na wala pa namang ulat na may mga Filipino na nadamay sa sunog.

Aniya, inabisuhan na rin niya ang Filipino communities sa lugar na sundin ang anumang ipag-uutos ni California Gov. Jerry Brown, na nagdeklara na ng state of emergency sa lugar.

Nag-abiso na rin siya na kung may mangangailangan ng tulong ay agad makipag-ugnayan sa konsulada.

Nagsimula ang sunog Sabado pa ng gabi at halos 7,000 libong ektarya na ng kagubatan ang nasunog bukod sa 22 na gusali.

Nag-utos na rin ang awtoridad ng mandatory evacuation at higit 1,500 residente ang iniwan na ang kanilang mga bahay at lumikas. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?