179

Dec 6, 2017 @ 13:15
By

Mga Pinoy sa California, pinaghahanda sa paglikas dahil sa sunog

Pinaghahanda ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa paglikas ang libo-libong Pilipinong naninirahan sa Los Angeles at Ventura sa California dahil sa patuloy na pagtindi at pagkalat ng sunog doon.

Ayon sa DFA, may 115,000 ang mga Pilipinong naninirahan sa tinatahak ng sunog na mabilis na kumakalat sa Ventura at Los Angeles sa California.

“We join our kababayans in the Philippines and in the United States in praying for the members of the Filipino Community and their neighbors in Ventura and Los Angeles counties that they will be spared from the raging infernos that are threatening their lives and their homes,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

Kaugnay nito, ipinapayo ng DFA sa mga Pilipino roon na regular na mag-monitor sa sunog, sundin ang direktiba ng mga otoridad at maghanda sa paglikas.

Nakahanda naman ang konsulada ng bansa sa Los Angeles para tumulong.

“Kababayans affected by the fires should not hesitate to get in touch with the Philippine Consulate General in Los Angeles if they need assistance,” ayon kay Cayetano.

Sa pagtaya ng Consulate General, may 25,800 na kasapi ng Filipino Community sa Ventura County kung saan nnanalasa ang tinagiruang Thomas Fire, isa sa tatlong wildfires ngayon.

May 89,400 namang mga Pilipino sa San Fernando Valley kung saan nagbabantang umabot ang tinaguriang Creek Fire.

Ang mga Pilipino roon na mangangailangan ng tulong at maapektuhan ng sunog ay maaring tumawag sa konsulada sa +1.213.268.9990 o kaya ay sa +1.213.587.0758 for assistance. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?