102

Dec 29, 2017 @ 13:36
By

Mga Pinoy sa Afghanistan, ligtas sa nangyaring terror attack

Nakiisa ang pamahalaang Pilipinas sa pagkondena sa panibagong terrorist bomb attack sa Kabul, Afghanistan kung saan 40 ang nasawi at 80 ang sugatan.

Siniguro naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala kahit isang Pilipinong kabilang sa mga nadamay sa karahasan.

“The Philippines joins the government and the people of Afghanistan in mourning the loss of many lives in the terrorist attack in Kabul on Thursday,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

“We condemn this senseless act of violence that deliberately targeted innocent civilians, many of them young students and even some women and children,” dagdag ng kalihim.

Sa ulat ng Philippine Embassy sa Islamabad, Pakistan na may hurisdiksiyon sa Afghanistan, sinabing nasa ligtas na kalagayan ang lahat ng nasa 1,500 Filipino na nasa Kabul at iba pang bahagi ng Afghanistan.

Pinuntirya umanong mga terorista ang Shi’a cultural center at isang news agency sa kanlurang bahagi ng Kabul.

Patuloy namang hinihikayat ang mga Filipino roon na laging maging alertado at mag-ingat para sa kanilang kaligtasan at seguridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?