205

Jul 7, 2020 @ 14:32
By

Mga Pinoy pwede na bumiyahe abroad

Tinanggal na ang travel restriction para sa pagbiyahe sa ibang bansa sa Pilipinas, ayon sa anunsyo ng Palasyo nitong Martes.

Saad ng Malacañang, papayagan na ang outbound travel ng mga Pinoy ngunit may ilang kondisyon na dapat sundin base sa itatakda ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

“Lahat ng travel restriction kaugnay ng mga outbound travel ng mga Pilipino ay inalis na rin po,” saad ni presidential spokesperson Harry Roque.

“Bawal pa rin ang turismo pero ang mangyayari po ay pag bibiyahe may requirements na dapat ipakita sa Bureau of Immigration,” aniya pa.

Ilan sa mga kailangang siguruhin ng biyahero ay ang pagkakaroon ng travel health insurance para sa rebooking at accommodation, gayundin ang roundtrip ticket para naman sa mga may hawak na tourist visa at declaration na kinikilala ang risk sa pagbiyahe abroad.

Bukod pa dito, kailangan ding sumalang sa mandatory 14-day quarantine at swab testing sa oras na bumalik sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?