42

Oct 26, 2019 @ 22:08
By

Mga Pinoy pinaka-behave sa UAE

Lumabas sa record ng Abu Dhabi Police na ang mga Pilipino na nasa United Arab Emirates (UAE) ang pinakakaunting nagawang krimen sa kanilang bansa.

Sinabi ni Lt. Col. Bader Al Neyadi sa First Filipino Community Forum na: “Filipinos commit the least [number of] crimes here in the UAE.”

Batay sa Filipino Times report, isinagawa ang event sa Abu Dhabi Headquarters Auditorium na dinaluhan ng may 100 community leader attendees.

Batay sa Facebook post ng grupo, nalulugod ang Dhabi Police sa “overwhelming support at attendance” mula sa Philippine Embassy, POLO-OWWA at Filipino community.

Samantala, hindi naman tinukoy pa ang bilang at nagawang krimen dahil sa multi-ethnic set-up ng UAE.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?