62

Apr 13, 2020 @ 18:17
By

Mga Pinoy online shopper hanap ang swimming pool, WiFi adapter

Dahil maraming mga Pilipino ang nananatili sa kani-kanilang mga bahay ngayong umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) kasunod ng coronavirus disease 2019 pandemic, nagbago rin umano ang ‘taste’ ng mga consumer sa kanilang binibili lalo na sa mga online shop.

Sa nilabas na pag-aaral ng iPrice Group, isang meta-search platform, lumalabas na may ilang produkto ang tumaas ang mga bumibili ngayong mayroong ECQ.

“iPrice Group took a look at the products that are gaining popularity on e-commerce sites during this dire period. iPrice Group aggregated thousands of product pages of more than 100 online merchants and compared the impressions of products on their platform between March 2020, the month the lockdown began; and November 2019, the month before the start of any COVID-19 cases in China,” ayon kay Isabelle Romualdez, ng iPrice Group.

Batay sa ulat, bukod sa pagkain na may matagal na expiration date at mga COVID-19 essential tulad ng face mask, hand sanitizer at bleach, maraming Pilipino ang interesado sa pagbili ng mga outdoor swimming pool.

Ayon sa datos tumaas ng 518% ang mamimili na naghahanap ng mga swimming pool.

Bukod pa dito, tumaas din sa 597% ang mga naghahanap ng WiFi adapter, habang ang 150% naman ang namimili ng LAN.

Dagdag pa ni Romualdez, ayon sa kanilang nakolektang datos lumalabas na naghahanap ang mga Pilipino ng mga bagay na magbibigay sa kanila ng mangagawa sa bahay.

Kabilang din kasi ang mga gym dumbell sa mga produkto na tumaas ang bilang ng mga namimili. Bukod dito, lomobo din ang mga naghahanap ng bisikleta na maaari dulot ng suspensiyon ng mga pampublikong transportasyon.

6 Interesting Things Filipinos Search For During the Coronavirus Lockdown

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?