62

Feb 4, 2020 @ 10:24
By

Mga Pinoy nanibago sa lamig

Kanya-kanyang kwento ng karanasan ang mga netizen na ramdam ang malamig na panahon.

Sa Twitter, top 1 trending ang “ANG LAMIG” ngayong Martes ng umaga, Pebrero 3.

May mga humugot at nanghingi ng yakap. Meron namang nagsabing sanay na sila sa lamig dahil residente sila ng Baguio City.

Matatandaang 10.2 degrees Celsius ang temperatura ng Baguio nitong Sabado ng umaga, ang pinakamalamig na temperatura ngayong Amihan season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?